Sanggol sa Cavite ibinenta ng ina sa halagang P90K

Isang sanggol na walong araw pa lang mula nang ipinanganak ang nasagip ng mga otoridad matapos tangkain ng ina ng bata at ahente na ibenta ito sa halagang 90,000 piso.

Tinangkang ibenta ng isang ina ang kanyang anak na walong araw pa lamang mula nang maisilang sa halagang 90,000 piso sa Dasmariñas, Cavite.

Sa isinagawang entrapment operation ng Philippine National Police Women and Children Protection Center, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ay naaresto ang ina at ang ahente.

Inamin ng ina ng sa sanggol na inalok niya ang kanyang anak sa Facebook para ibenta dahil iniwan siya ng ama ng bata at naging premature din ang paglabas ng sanggol.

Samantala, sinabi naman ni PCol. Renato Mercad na umabot ng dalawang linggo ang negosasyon, at habang buntis pa lang ang ina ay ipinagbibili na niya ang kanyang anak.

Ayon sa panayam kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakakabahala ang pagdami ng ilegal na pag-aampon at pagbebenta ng mga sanggol sa mga page at group sa Facebook na kilala sa tawag na online baby trade.

Binigyang-diin ni Gatchalian na ang pag-aampon ng sanggol na labas sa saklaw ng alituntunin ng National Authority for Child Care ay maituturong isang krimen.

Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9208 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2022 ang ahente at ang ina ng sanggol.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CAVITEX C5 link to be completed by Q4 2022

Cavitex Infrastructure Corporation (CIC), a subsidiary of Metro Pacific Tollways Corporation (MPTC), announced on Tuesday that it is planning to open in the fourth quarter of 2022 the expressway connecting CAVITEX to C5 Road in Taguig, which is now 20 percent complete.