Remulla itinanggi na protektor siya ng POGO sa isang isla sa Kawit

Muling nagsalita si Cavite Gov. Jonvic Remulla na wala siyang kinalaman sa operasyon ng POGO sa islang dati nilang pagmamay-ari sa bayan ng Kawit.

Matapos mag-anunsyo ng walang pasok sa lalawigan ng Cavite, itinanggi ni Gov. Jonvic Remulla na may kaugnayan siya sa Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa Kawit.

Screengrab via Gov. Jonvic Remulla’s Twitter/X post.

“#WalangPasok ALL LEVELS July 24, 2024 (Wednesday). Hindi po ako protektor ng POGO. Mabuti na ngang tanggalin ng tuluyan yan. Wag Marites ang hanash. Ang proteksyon ko ay para sa mga #WalangPasok (sa Cavite) lamang. Ingat po ang lahat,” pahayag ni Remulla.

Matatandaang nagsimula ang isyung ito sa pagkakadawit diumano ng kaniyang pangalan sa operasyon ng POGO sa islang dati nilang pagmamay-ari.

Samantala, ban na ang POGO sa bansa, batay sa binitawang salita  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. sa kaniyang ikatlong State of the Nation Address.

“Effective today, all POGOs are banned. I hereby instruct Pagcor to wind down and cease the operations of POGOs by the end of the year,” ayon kay Marcos.

Total
0
Shares
Related Posts