70,000 pamilya nakatanggap ng ayuda sa Imus

Ibinida ng pamahalaang lungsod ng Imus na nasa 70,000 pamilya na ang nakakatanggap ng pinansyal na tulong ng pamahalaan sa pamamagitan ng contactless distribution ng ayuda.

Tinatayang nasa 70,000 pamilya na ang nakatanggap ng tulong pinansyal mula sa pamahalaang nasyonal at LINGAP assistance mula sa lungsod ng Imus.

70,000 na pamilya na ang nakatanggap ng ayuda at tuloy-tuloy pa rin ang ating pamamahagi! ‘Yan po ay sa pamamagitan ng…

Posted by Emmanuel Maliksi on Wednesday, April 28, 2021

Dagdag pa rito, mahigit 35,000 pamilya naman ang kasalukuyan pang pinoproseso ang pagbibigay ng ayuda sa naturang lungsod. 

Matatandaang naunang inanunsyo ni Imus City Mayor Emmanuel Maliksi na maaaring tanggapin ang ayuda sa pamamagitan ng iba’t ibang uri ng cashless platform na naglalayong mapabilis at maging maayos ang pamamahagi ng ayuda.

Ayon naman kay City Councilor Emoy Francisco sa isang Facebook Live noong Abril 24, tanging ang lungsod ng Imus lamang umano ang nagsagawa ng multi-channeled disbursement system.

Ayon kay Francisco, ang naturang sistema ay mayroong tatlong pagpipilian sa pagtanggap ng pera kabilang na ang paggamit ng debit o cash card; e-wallet tulad ng GCash o Paymaya; at cash pick-up sa pamamagitan ng MLhuillier.

“Napakahalaga po nang ginagawang pagproseso ng checking at rechecking ng mga nakalap na datos mula sa mga nagrehistrong pamilyang benepisyaryo para po makuha natin ang tamang bilang ng miyembro nang bawat pamilya na siya namang ie-encode sa Lingap Center para po makapasok sa portal,” ani Francisco. 

Bukod pa rito, ipinaliwanag naman ni City Councilor Jem Yulo na ang pagkakaantala ng pagbibigay ng ayuda ay dahil sa pagkakaroon ng mga mali at hindi pagkakapare-pareho pagsagot sa application form ng bawat pamilya. 

Samantala, sinabi rin ni Francisco na ang bago at tamang listahan ang gagamiting basehan para sa ONE Cash Card system na ipatutupad ng naturang lungsod sa pakikipagtulungan sa Development Bank of the Philippines para sa mga darating pang pinansyal na tulong mula sa pamahalaan.

Total
28
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts