Carmona PWD Affairs Office pinarangalan bilang Presidential Lingkod Bayan awardee

Nasungkit ng Carmona Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ang parangal na Presidential Lingkod Bayan Award ng Civil Service Commission (CSC).

Itinanghal na national winner ang Persons with Disability Affairs Office (PDAO) ng Carmona sa ginanap na 2022 Presidential Lingkod Bayan Award ng Civil Service Commission (CSC) noong Miyerkules, Marso 8.

Photos via Mayor Dahlia Loyola/ Facebook

Ayon kay Mayor Dahlia Loyola, nagwagi ang PDAO sa group category ng nasabing parangal.

Ipinagkakaloob ang nasabing parangal sa mga may natatangi at hindi matatawarang kontribusyon sa pagseserbisyo sa publiko.

“Ang tagumpay na ito ay para sa ating mga kababayang PWDs at patunay na ang Carmona ay isang inklusibong komunidad. Ito po ay magsisilbing inspirasyon sa atin upang ipagpatuloy ang serbisyo publiko kung saan ‘No One Should Be Left Behind,” ani Loyola.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Senate OKs Carmona cityhood bill

The municipality of Carmona, the richest town in the Philippines, is now a step closer to attaining its state of becoming the eighth city in the province of Cavite after the Senate approved its cityhood measure on its third and final reading.