Cavite City ipinagmamalaki ang ‘all-time favorite’ pasalubong na tamales

Kung ikaw ay namamasyal sa naturang lungsod, hindi mo dapat kalimutan ang tinaguarian nilang “all-time favorite” pasalubong. Ito ay ang tamales na ipinagmamalaki ng mga residente sa Cavite City.

Kilala ang Cavite sa mayaman nitong kasaysayan. Ngunit lingid sa kaalaman ng iba, marami rin itong ipinagmamalaking putahe o mga pagkain na may kanya-kanyang bersyon sa bawat bayan.

Noong panahon ng mga Espanyol, nasaksihan ng Cavite City ang iba’t ibang negosasyon ng mga dayuhang mananakop at mangangalakal. Dahil sa likas na katangiang heyograpikal ng Cavite City, dito nagaganap ang mga palitan ng iba’t ibang produkto at mga sangkap sa pagkain.

Dahil dito, direktang naimpluwensyahan ang mga pagkaing hinahain sa siyudad araw-araw. Isa ang tamales sa mga pagkaing iniwang pamana ng kasaysayan sa Cavite City.

Kung ikaw ay namamasyal sa naturang lungsod, hindi mo dapat kalimutan ang tinaguarian nilang “all-time favorite” pasalubong. Ito ay ang tamales na ipinagmamalaki ng mga residente sa Cavite City.

Ang tamales ay kadalasang ginagawang palaman sa mainit na pandesal. 

Hanggang ngayon, mayroon pa ring mga restaurant at karinderya na naghahain ng tamales. Ito ay isang uri ng palaman kung kaya’t bagay na bagay ang kombinasyon nito sa mainit na pandesal.

Sa kasalukuyan, kakaunti na lamang ang gumagawa ng tamales dahil mahaba ang proseso ng paggawa nito. Ang tamales ay gawa sa harina ng bigas o ang tinatawag na galapong at dinurog na mani. Ang ibabaw naman nit ay gawa sa ginayat na karne ng baboy at manok, garbanzos at nilagang itlog. Nilalagyan din ito ng mga pampalasa tulad ng asin at paminta upang makumpleto ang timpla.

Gawa ang tamales sa pinaghalong sipag at tiyaga ng mga taga Cavite. Photo via Tita’s Delicacy Facebook Page.

Kahit impluwensya ito ng mga dayuhan, may tatak Pilipino pa rin ang paggawa ng tamales dahil sa paraan ng pagluluto nito. Bukod sa ito ay pinasisingawan sa patong-patong na dahon ng saging, binabalot rin ang mismong tamales sa naturang dahon.

Isa ito sa mga ipinagmamalaki ng Cavite City.
Tatak Pilipino pa rin talaga ang Tamales dahil sa paraan ng pagluluto nito.

Ito ay karaniwang ibinebenta sa halagang P60 hanggang P75 kada piraso.

Ayon sa mga taga Cavite City, hindi ka Caviteño kung hindi mo pa ito natitikman.

Tita Tamales Facebook Page

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts