Sa loob ng sampung taong paghahanap ng awtoridad, himas rehas ngayon ang dating kagawad ng barangay sa Pagadian City na nagtago sa Imus City, Cavite dahil sa umano’y pagwawaldas ng pondo ng barangay.
Kinilala ang suspek na si Rogelio Carpentero, 62-anyos na kasalukuyang naglalagi sa Alapan II-A, Imus City, Cavite.
Ayon sa ulat ni Police Major Edward Samonte, hepe ng District Investigation Division II ng Special Mayor’s Reaction Team, ang suspek ay nadakip bandang alas-8:20 ng gabi noon Mayo 2.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Dennis P. Vicoy, ng Regional Trial Court Branch 20, Pagadian City noong 2014, naaresto ang suspek ng mga tauhan ng Manila Police District.
Nahaharap sa kasong malversation of public funds through falsification of commercial documents si Carpentero at walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanya.
Thumbnail photo courtesy of Петр Ткаченко / iStock