DOH naglabas ng bilin-pangkalusugan sa kabila ng pag-aalboroto ng Taal

Sa kabila ng pag-alburoto ng bulkang Taal at pananatili nito sa Alert Level 3, pinaalalahanan ng Department of Health ang mga residenteng malapit sa lugar tungkol sa mga dapat nilang gawin upang masigurong ligtas ang kanilang kalusugan.

Sa kabila ng pag-alburoto ng bulkang Taal at pananatili nito sa Alert Level 3, pinaalalahanan ng Department of Health ang mga residenteng malapit sa lugar tungkol sa mga dapat nilang gawin upang masigurong ligtas ang kanilang kalusugan.

(Basahin: Bulkang Taal itinaas sa Alert Level 3)

Photo courtesy by Department of Heath

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, bilang proteksyon sa ash fall ay dapat manatili ang lahat sa loob ng bahay o alamin muna ang sitwasyon sa kalsada bago lumabas ng tahanan.

Iwasan din ang pagbubukas ng pintuan o bintana at maaaring magsabit ng mamasa-masang kurtina.

Kinakailangan ding gumamit ng surgical o medical mask bilang pantakip sa ilong at bibig.

Huwag ring kalilimutan ang pagsuot ng safety googles upang maprotektahan ang mata sa ash fall. Iwasan muna ang paggamit ng contact lenses at kung nairita ang mga mata ay banlawan ito ng dumadaloy at maligamgam na tubig.

Para naman sa ligtas na pagkain, panatilihin ang paghuhugas ng kamay. Siguraduhing malinis ang pagkain at takpan nang mabuti ang mga lalagyan ng tubig.

Dapat ding laging ihanda ang emergency bag na may lamang sapat na supply pagkain, damit, tubig, gamot at first aid.

Kung sakali namang may problema sa paningin at paghinga, magpakonsulta agad sa doktor.

“Ugaliin ang pakikinig sa balita ng mga lokal na awtoridad,” payo pa ni Vergeire.

Sa ngayon, patuloy pa ring binabantayan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology  ang kalagayan ng bulkan.

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts