Hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang na pabakunahan na ang kanilang mga anak na edad lima hanggang 11 taong gulang kontra COVID-19 sa pagsisimula ng pediatric vaccination sa Pebrero 4.
“Nanawagan ako sa mga magulang na ito pong COVID-19 vaccine na ipinamahagi ng pamahalaan ay isang oportunidad para sa inyong pamilya at iyong anak na ma-protektahan sa COVID-19,” ani President of the Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP), Dr. Mary Ann Bunyi.
Bilang magulang, ikaw ba ay may pangamba pa rin sa pagpayag na mabakunahan ang iyong anak laban COVID-19? Narito ang…
Posted by Department of Health (Philippines) on Wednesday, January 26, 2022
Dagdag pa niya, “Para rin sila ay makalabas, makapasok sa school, makapaglaro at makasama ang kanilang mga kalaro. ‘Yung pag-aagam-agam natin na baka mamaya ito ay hindi ligtas, ‘wag nating pansinin ito. Ang bakuna na meron tayo ay ligtas at epektibo base sa siyensa at mga eksperto.”
Binigyang-linaw at pinaalalahanan naman ng pamahalaan ang publiko na hindi pinapayagang bakunahan ang mga batang mas mababa ang edad sa lima, mga kabataang lima hanggang 11 taong gulang na sumasailalim sa COVID-19 quarantine at isolation, at mga batang may allergy sa ilang ingredient ng COVID-19 vaccine tulad ng “polythylene glycol” o “PEG” at polysorbate.
Inilabas na guidelines ng pamahalaan kaugnay sa pagbabakuna ng mga kabataang edad 5-11. Photo Courtesy of PCOO.
Ayon naman kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje sa isang public briefing, pagsasabayin na ang pagbabakuna ng mga kabataang may comorbidity at wala upang mapabilis ang pagbabakuna.
Ngunit paalala ng pamahalaan, mas maigi umanong kumonsulta muna sa pediatrician ang mga kabataang mayroong comorbidity o allergy bago magpabakuna kontra COVID-19.
Samantala, inaasahan na darating ang 15 milyong mas mababang dose ng Pfizer-BioNTech vaccine.
“We are expecting weekly deliveries after that. Iyong mga quantities dine-determine pa natin pero at least for the next two quarters made-deliver iyong 15 million,” ani Cabotaje.