EXPLAINER: CHA-CHA in the House: Ano nga ba ang mga dapat mong malaman tungkol dito?

Marahil ang mga salitang ito ay narinig niyo na sa mga balita lalo pa’t tila ba minamadali na sa Mababang Kapulungan ang pagpasa nito. Ngunit ano nga ba itong isinusulong ng pamahalaan at ano ang magiging kaugnayan nito sa bansa at sa bawat mamamayang Pilipino?

Marahil ang mga salitang ito ay narinig niyo na sa mga balita lalo pa’t tila ba minamadali na sa Mababang Kapulungan ang pagpasa nito. Ngunit ano nga ba itong isinusulong ng pamahalaan at ano ang magiging kaugnayan nito sa bansa at sa bawat mamamayang Pilipino?

Ano nga ba ang Cha-Cha?

Ang Cha-Cha, o pinaikling bersyon ng Charter Change, ay isang konstitusyonal na hakbang upang amyendahan o rebisahin ang kasalukuyang Konstitusyon ng bansa.

Sa ngayon, patuloy na nakabatay ang Pilipinas sa 1987 Constitution na naitatag sa panahon ni dating Pangulong Cory Aquino.

Bakit gusto ng Kongreso na magkaroon ng Cha-Cha?

Ayon sa isinusulong na panukala ng Mababang Kapulungan, may mga Economic Provisions sa 1987 Consitution ang kailangang “ma-revisit o ma-recraft” upang “maging globally-competitive” ang bansa.

Paano nga ba nababago ang isang Konstitusyon?

May tatlong paraan upang maisulong ang pagbabago sa 1987 Constitution.

Una, sa pamamagitan ng People’s Initiative. Hindi dapat bababa sa 12% ng kabuuang bilang ng rehistradong botante, kung saan dapat makakuha rin ng higit sa 3% ng botante kada distrito, ang pumirma sa petisyon.

Pangalawa, sa pamamagitan ng Constituent Assembly (Con-Ass) kung saan miyembro ng Kongreso ang maghahain o boboto sa pag-amyenda o pagrebisa ng Konstitusyon na siyang dapat pagkasunduan ng mayorya o 3/4 ng kanilang miyembro.

Pangatlo naman ay sa pamamagitan ng Constitutional Convention (Con-Con). Dito ay magkakaroon ng mga inihalal at itinalagang delagado na maghahain ng amyenda o pagrebisa sa Saligang Batas.

Ano ang paraang isinusulong ngayon ng Kongreso?

Sa mababang Kapulungan, nais nilang magsagawa ng isang Con-Con.

Balak ng mga mababatas na isulong ang isang “Hybrid Con-Con,” kung saan ito ay bubuuin ng mga delagadong inihalal ng taong-bayan at mga delagadong mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan na itatalaga ng House Speaker at Senate President.

Mga Delegado sa bawat Sektor:

  • Dating miyembro ng Hukuman
  • Kinatawan mula sa Education Sector
  • Kinatawan mula sa Legal Sector
  • Ekonomista
  • Kinatawan mula sa Medical Sector
  • Kinatawan mula sa Science and Technology Sector
  • Kinatawan mula sa Business Sector
  • Kinatawan mula sa Labor Sector
  • Kinatawan mula sa Urban Poor
  • Kinatawan mula sa Farmers and Fisherfolk Sector
  • Kinatawan mula sa Indigenous Cultural Communities
  • Kinatawan mula sa Women Sector
  • Kinatawan mula sa Youth Sector
  • Kinatawan mula sa mga Veteran
  • Kinatawan mula sa mga Senior Citizen
  • Kinatawan mula sa mga Persons with Disabilities (PWD)

Kwalipikasyon ng mga Delegado:

Ang kinatawan ay isa dapat natural-born Filipino citizen, higit 25 na taong gulang, at isang rehistradong botante. Sila rin ay dapat na college degree holder maliban sa mga kinatawan mula sa poor sector.

Wala dapat na posisyon sa anumang public office ang magiging kinatawan at hindi dapat nagrerepresenta ng isang political party o group. Bawal ding maging delegado ang isang taong na-convict na dahil sa krimen. Sila ay ipinagbabawal din na tumakbo sa unang eleksyon na magaganap pagkatapos maratipikahan ang panukalang amyenda.

Proseso ng Con-Con:

Target na simulan ang botohan para sa mga delegado sa Oktubre 30, 2023, kasabay ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Magsisimula ang kanilang termino sa Office of the Convention sa Nobyembre 21, 2023 at matatapos sa Hunyo 30, 2024, o sa loob ng higit pitong buwan.

Ang mga miyembro ng delegasyon ay makakatanggap ng P10,000 daily allowance.

Sila ay dapat magpasa ng report sa Pangulo, Kongreso at Commission on Elections (Comelec) sa o bago ang Hulyo 30, 2024.

Ang napagkasunduang pagbabago ay pagtitibayin o raratipikahin sa pamamagitan ng isang plebisito.

Ano na ang ganap sa Con-Con?

Nitong Marso 6, 2023, naipasa na sa third and final reading ng Kamara ang Resolution of Both Houses No. 06, o panukalang nagsusulong ng pagbuo ng Con-Con para amyendahan o rebisahin ang Saligang Batas.

Nito namang Marso 14, naipasa na rin sa huling pagbasa ng Kamara ang House Bill No. 7352 o Constitutional Convention Bill, na siyang accompanying o implementing bill ng RBH No. 06.

Ngayon, nasa Senado na ang bola ng constitutional reform upang magpasa ng resolusyon at panukalang baguhin ang Saligang Batas.

Total
0
Shares
Related Posts