Ilang grupo ng mangingisda sa bayan ng Cavite ang nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng tangapan ng Department of Environment and National Resources (DENR) para ipahayag ang kanilang pagtutol sa seabed quarrying sa Cavite.
Photo via Alyansa Tigil Mina/FB
Ayon kay Romeo Miranda na isang mangingisda sa Naic, maraming katulad niya sa Cavite ang napipilitang pumalaot nang mas malayo dahil kung hindi nila ito gagawin ay wala silang kikitain.
“Ipatigil ang Seabed Quarrying dahil ito ay proyekyo para lamang pagkakitaan ng mga mayayamang korporasyon at magdudulot ito ng perwisyo sa kabuhayan ng mamamayan at banta sa kaligtasan ng mga naninirahan sa baybayin sa panahon ng kalamidad,” dagdag pa niya.
Bilang pagsuporta, nagpakita rin ng pagkabahala ang Advocate of Science and Technology (AGHAM) sa magiging epekto ng quarrying activities sa biodiversity ng karagatan at maging sa kabuhayan ng mga residente sa Cavite partikular na ang mga naninirahan sa coastal areas.
Samantala, nagsagawa naman ng fluvial protest ang ilang mangingisda sa lalawigan, maging mula sa Metro Manila, Zambales, Bataan at Quezon province upang kunin ang atensyon ng gobyerno at mabigyang-pansin ang sector ng pangingisda.
Sa briefing na isinagwa, sinabi ni Nazario Briguera, chief information officer of Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na makikipagtulungan sila sa fishermen sector upang mapag-usapan at makagawa ng posibleng altetnatibong solusyon para sa mga apektadong residente sa Cavite.
“Titingnan kung nasusunod ‘yung mga conditions doon at syempre base sa koordinasyon titignan kung may kailangang aksyon,” saad ni Briguera.