3 pulis timbog sa buy-bust operation sa Dasma

Timbog ang tatlong pulis at isa pa nilang kasamang sibilyan matapos malaglag sa isang buy-bust operation sa Barangay Salitran 2 sa Dasmariñas City, Cavite nong Pebrero 1.

Timbog ang tatlong pulis at isa pa nilang kasamang sibilyan matapos malaglag sa isang buy-bust operation sa Barangay Salitran 2 sa Dasmariñas City, Cavite nong Pebrero 1.

Sa ulat ng Police Regional Office, kinilala ang mga suspek na sina Police Corporal Christian Arjul Dayrit Monteverde; Police Staff Sergeant Tomas Celleza Dela Rea Jr.; Patrolman Jeru Magsalin Set, at si Jorilyn Magnaye Ambrad alias “Lian.”

Photo courtesy of Police Regional Office 4A

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 210 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng higit P1.4 milyon. Narekober din maging ang service firearms ng mga nahuling pulis.

Sinubukan pang tumakas ng isa sa mga pulis na suspek gamit ang isang SUV ngunit nasakote rin kalaunan sa ikinasang hot pursuit operation.

“I will never let them drag the image of the organization. This illegal act undermines our efforts to combat the drug problem in the country. Such actions are reprehensible and those involved must be held accountable to the fullest extent of the law,” ani ni Regional Director Jose Melencio Nartatez sa isang statement.

Nasa kostudiya ngayon ng Dasmarinas Police ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts
Read More

PROGRAM CHECK: Pagkilala sa mga alkalde at kanilang nagawa sa Cavite

Habang papalapit ang Halalan 2025, mahalagang muling suriin ang mga nagawa ng mga lider ng iba't ibang lungsod at munisipalidad sa Cavite. Kabilang dito ang kanilang mga kontribusyon sa imprastraktura, pagpapalawak ng serbisyong pangkalusugan, at pagsuporta sa sektor ng edukasyon—mga proyekto at programang nagbigay ng mahalagang kontribusyon sa kaunlaran ng kanilang mga komunidad.