Grupo sa Cavite naglilibot sa Kawit at Noveleta para mamigay ng pagkain

Bukod sa pagtatayo ng sariling community pantry, may iba pang istilo ang ipinamalas ng isang grupo sa Cavite kung saan ay nililibot nila ang buong bayan ng Kawit at Noveleta upang mag-abot ng tulong.

Bukod sa pagtatayo ng sariling community pantry, may iba pang istilo ang ipinamalas ng isang grupo sa Cavite kung saan ay nililibot nila ang buong bayan ng Kawit at Noveleta upang mag-abot ng tulong.

Una nilang naispatan sa Barangay Tabon II ang isang nagtitinda ng taho at agad nila itong pinakyaw ang paninda nito.

Nito lamang Araw ng Paggawa, ang mga nag-organisa ng Three Sister’s Community Pantry ay namakyaw ng paninda ng isang magsosorbetes at isang magtataho para ipamigay ang kanilang mga produkto sa mga residente ng Barangay Tabon II.

Bukod sa magtataho ay sunod nilang nakita ang nagtitinda ng sorbetes sa Barangay Tabon II.

“Target namin kaninang umaga yung mga basurero, Caltex boy, car wash boy, mga street people…tapos yung mga kagaya ng mag-iice cream at magtataho, binibili namin tapos pinamimigay din sa [mga] tao,” pahayag ni Annalie Jaminal Buenaflor sa isang panayam ng The Cavite Rising.

Dagdag pa niya, “’Yung mga nakikita naming pwedeng bilhin ng mga nagtitinda sa kalsada [ay] binibili namin.”

Bukod sa kanilang paglilibot, namimigay din sila ng gulay, bigas, itlog, food packs, at gatas sa itinayo nilang community pantry.

Ani Buenaflor, simula pa lamang umano ng pandemya ay namimigay na sila sa mga tao. Bukod sa bayan Kawit ay nililibot din nila ang bayan ng Noveleta.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts