Nagpaalala ang Metro Pacific Tollways South (MPT South) sa mga motorista na magbaon ng mababang pasensya sa darating na Holy Week dahil tiyak na bibigat ang daloy ng trapiko sa Cavite-Laguna Expressway (CALAX) at Manila-Cavite Expressway (CAVITEX), pati na rin sa C-5 Link Segment.
Ayon sa MPT South, mula Marso 25 hanggang Marso 31 ay posibleng tumaas ng 8% hanggang 10% ang dami ng sasakyan na dadaan sa nasabing mga kalsada, kumpara sa karaniwang bilang na 43,000 sa CALAX, 170,000 sa CAVITEX, at 12,300 sa C5 Link.
Sinabi ni MPT South President and General Manager Raul L. Ignacio na mas mapapadali ang biyahe kung gagamit ng RFID ang mga motorista para sa mga toll transactions.
“Utilizing Easytrip RFID at MPTC Toll Plazas significantly reduces travel time compared to waiting in long cash lanes,” saad ni Ignacio.
Binigyang-diin din ni Ignacio na siguraduhing nasa maayos na kondisyon ang mga sasakyan, kasama na ang makina, bago bumiyahe.
Sakaling magkaroon ng aberya at masiraan ang sasakyan, magbibigay ang MPT South ng libreng towing assistance mula alas-6 ng umaga sa Marso 25, 27, 29, 30, at Abril 1.
Sa kaso ng pagkasira ng sasakyan, may mga tauhan na inatasang magbigay ng tulong sa mga motorista 24/7.
Thumbnail photo courtesy of MPT South