Kampo nina Ka Leody, mga katutubo pinaulanan ng bala sa Bukidnon

Pinaulanan ng bala ng baril ang isinagawang pagtitipon ng kampo nina presidential aspirant Ka Leody de Guzman at ng mga katutubo sa Bukidnon.

Pinaputukan ng baril ang grupo nila presidential candidate at labor leader Ka Leody de Guzman at ang mga katutubong Manobo-Pulangiyon sa kanilang pagbisita sa Quezon, Bukidnon noong Abril 19.

Iniulat mismo ni de Guzman at ng kanilang kampo na Partdo Lakas ng Masa (PLM) sa kanilang Facebook page at Twitter ang naturang pamamaril.

“Inirereklamo ng naturang tribo ang landgrabbing sa kanilang ancestral land. Naiulat na may ilang tinamaan sa insidente, kasama ang lokal na organizer ng mga magsasaka at lider ng mga Manobo-Pulangiyon,” ani de Guzman at ng PLM.

Ani de Guzman sa kanyang tweet, ligtas siya at ang mga kasama nito na tumatakbong senador na sina Roy Cabonegro at David D’Angelo ngunit kinumpirma rin niya na tinamaan ang nasa tabi niyang si Nanie Abela na isang organizer ng mga magsasaka sa Mindanao at ang isang lider ng Manobo-Pulangiyon tribe.

“Alam nating mayayaman at makapangyarihan ang ating binabangga sa labang ito. Ngunit ibang klase pa rin kapag talagang direkta tayong dinahas. Walang halaga sa kanila ang buhay nating mga maliliit,” pahayag ng presidential candidate.

Nanawagan at hinimok ng presidential aspirant ang mga mamamayan na isulong ang kapayapaan sa Mindanao at igalang ang mga karapatan ng mga indegenious people at ng Bangsamoro.

“Binabalaan ko ang mga naghahari-harian sa kanilang pag-abuso, ngayon na mayroong nang pambansang atensyon sa laban ng Manobo-Pulangiyon at iba pang IP struggles,” pahayag ni de Guzman.

“Hindi man takot ang mga naghahari-harian sa isang labor leader na gaya ko pero ang klaro ay mas malaki pa sa akin ang ating laban at doon dapat sila matakot – sa kapangyarihan ng nagkakaisang masa. Tuloy ang ating laban!” wika niya.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts