Agad na rumesponde ang lokal na pamahalaan ng Kawit sa pangunguna ni Mayor Angelo Aguinaldo sa mga pamilyang nasalanta ng matinding pagbaha nitong nakaraang bagyong Jolina sa bayan.
Katuwang ng alkalde ang Kawit MDRRMO, Kawit BFP, at Kawit PNP upang mailigtas ang mga nastranded na Kawiteno.
Ginamit din ng Kawit COVID Busters ang kanilang mga truck upang makalampas sa baha at madala sa evacuation sites ang mga nasalanta sa Brgy. Panamitan.
Samantala, matapos mag-ikot sa bayan ng Kawit, naghatid din si Mayor Aguinaldo ng pagkain sa 127 indibwal sa evacuation site sa Binakayan National High School.
“Binabantayan din po natin ang galaw ni bagyong #KikoPH at sana po ay hindi na lumala ang pagbabaha sa ating munisipalidad. Magkaganoon man po, asahan n’yo pong nakahanda ang ating lokal na pamahalaan na tumugon para sa inyong kaligtasan at kapakanan,” ani ng alkalde sa kaniyang Facebook post noong Miyerkoles.
Samantala, patuloy ding pinag-iingat ng Aguinaldo ang mga Kawiteno kay bagyong Kiko. Narito ang mga numerong maaring tawagan sa oras ng emergency:
MDRRMO: 440-0722
PNP: 471-0102, 0998-598-5607 0967-609-8442
BFP: 484-5250, 574-2464, 0945-180-7455
RHU: 431-9931