PAGASA: Matinding init na panahon tatagal pa hanggang Mayo

Ayon sa PAGASA, tatagal pa ang matinding init ng panahon hanggang kalagitnaan ng Mayo ngayong taon.

Inaasahang tatagal pa hanggang kalagitnaan ng Mayo ang mataas na damang init na nararanasan ng bansa.

Sinabi ito ng Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Service Administration (PAGASA) noong ika-28 ng Abril matapos makapagtala ng mataas na init sa Maynila na umabot sa 38.8 degrees Celsius.

Ayon sa PAGASA, ang Marso, Abril, at Mayo ay mga buwan ng tag-init ngunit sa ngayon ay mas pinainit ito ng El Niño.

Dagdag pa ng ahensya, ang naitala ngayong taon na 38.8 degrees Celsius ay tinalo ang pinakamataas na naitala na init sa Metro Manila noong 1915 na umabot sa 38.6 degrees Celsius.

Samantala, kahapon, ika-28 ng Abril, ay nakapagtala ng damang init ang Pasay City na umabot ng 44 degrees Celsius habang ang Quezon City naman ay umabot ng 43 degrees Celsius.

Bunsod nito, marami ang nagtutungo sa mga shopping malls at hotel para maibsan ang init.

Nagbabala naman ang PAGASA sa publiko na mag-ingat sa heat cramps at heat exhaustion lalo na sa mga lugar na nasa danger level ng heat index na 42 hanggang 51 degrees Celsius.

Ang heat index ay isang sukatan upang malaman ang init na nararamdaman ng tao batay sa temperatura at kahalumigmigan ng hangin.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

‘Atin ang West Philippine Sea’ – PBBM

Nakatanggap ng malakas na palakpakan at standing ovation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ipaglaban ng kanyang administrasyon ang soberanya ng bansa patungkol sa West Philippine Sea sa kanyang ikatlong State of the Nation Address ngyong araw, Hulyo 22.