4 patay sa sunog na sumiklab sa Tanza, Cavite

Nasawi ang apat na katao sa sunog na naganap nitong Martes ng madaling araw, March 5, sa Tanza, Cavite.

Nasawi ang apat na katao sa sunog na naganap nitong Martes ng madaling araw, March 5, sa Tanza, Cavite.

Ang nasabing sunog ay sumiklab sa residential area sa Barangay Biwas ng alas-11:54 ng gabi nitong Lunes.

Ayon sa ulat, isang senior citezen na kinilalang si Teresita, 68, at anak nitong si Anthony, 39, pati na rin ang dalawang apo niyang sina Gerrone Owen, 12, at Gemille Anthea, 5, ang nasawi sa sunog.

Rumesponde ang Philippine Red Cross-Cavite Chapter, Bureau of Fire Protection (BFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, at Provincial DRRMO para apulahin ang apoy at magsagawa ng search and retrieval operation upang mahanap at makuha ang labi ng apat na nasawi.

Samantala, limang bahay ang apektado at tinatayang aabot sa P9 milyon ang naging pinsala ng sunog.

Ang sunog ay naapula bandang alas-2:39 ng madaling araw nitong Martes, Marso 5 ayon sa Tanza Fire Station.

Nagpaabot naman ng tulong ang lokal na pamahalaan ng bayan ng Tanza sa pagsagot nito sa funeral expenses ng mga nasawi.

Nagpaalala naman ang BFP nang tamang pag-iingat para makaiwas sa sunog.

Dagdag ng ahensya, nakahanda ang BFP ng Tanza sa pagresponde sa mga ganitong pangyayari.

Matatandaan, sa pagpasok ng Marso, ay hudyat ito ng pagsisimula ng 2024 Fire Prevention Month na may temang “Sa Pag-iwas sa Sunog, Hindi ka Nag-iisa”.

Thumbnail photo courtesy of Philippine Red Cross – Cavite Chapter

Total
0
Shares
Related Posts