Pinangangambahan ng grupong Commuters of the Philippines na posibleng umabot sa P50 ang pamasahe kung mapapalitan ng mga modern jeepneys ang mga tradisyunal na jeepney.
Ayon kay Julius Dalay, Chairman ng Commuters of the Philippines, ay asahan ang malaking epekto nito sa pamasahe na isinusulong ng pamahalaan.
Binigyang diin rin ni Dalay na masakit ito sa bulsa ng mga commuter’s kung sakaling pumalo sa P50 ang pamasahe, lalo na’t inaasahan ng masa ang serbisyo ng hari ng kalsada.
Ang pangunahing dahilan ng kanilang pangamba na paglobo ay ang mataas na gastos ng modernong minibuses at e-jeeps, na umaabot sa halagang P2.8 milyon bawat unit.
Matatandaang mariing tinanggihan ng pamahalaan ang panawagan ng ilang transport groups na i-atras ang consolidation ng mga prangkisa na itinakda nitong deadline noong December 31, 2023.