Transport strike umarangda na vs PUV modernization program

Isang araw bago matapos ang Pebrero, humingi na kaagad nang paumanhin ang ilang transport groups sa mga pasahero kaugnay ng ikinakasa nilang isang linggong malawakang tigil-pasada kontra sa modernization program ng pamahalaan.

Isang araw bago matapos ang Pebrero, humingi na kaagad nang paumanhin ang ilang transport groups sa mga pasahero kaugnay ng ikinakasa nilang isang linggong malawakang tigil-pasada kontra sa modernization program ng pamahalaan.

Dahil sa mosyong ito, nagsagawa ng transport strike ang grupo simula Marso 6 upang ipanawagan ang kanilang pagprotesta sa anila’y hindi malinaw na programa ng Department of Transportation (DOTr) na i-phase out ang mga lumang public utility vehicles (PUVs).

Ayon sa kanila, hindi naman sila tutol sa planong modernisasyon ng gobyerno, ngunit nananawagan sila ng makatarungang transisyon at makatanggap ng wastong subsidiya at tulong sa pamahalaan.

Itinuturing kasi nilang anti-poor ang programang ito kung saan sila ay mapipilitang mag-shift sa paggamit ng modern jeepneys na nagkakahalaga ng halos P2.8 milyon, kumpara sa traditional jeepneys na nasa P150,000-P250,000 lamang ang acquisition fee.

Reaksyon ng Administrasyon

Sa kabila nito, nagpahayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.na nauunawaan niya ang pag-alma ng transport sector at hinikayat ang kanyang ahensya na suriing mabuti ang naturang modernization program at makipagdayalogo muna sa grupo.

“Sa issue ng modernization, sa aking palagay, ay kailangan ding gawin talaga ‘yan. Ngunit sa pag-aaral ko, parang hindi naging maganda ang implementasyon nung modernization program,” ani Marcos.

Gayundin ang naging sentimento ng Senado na ipagpaliban muna ang deadline ng franchise consolidation dahil mismong pamahalaan anila ay hindi pa handa sa planong modernisasyon.

Samantala, pinainit naman lalo ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte ang transport strike issue matapos sabihing ang kilos-protestang nangyayari ay isang “communist-inspired” at “painful interference” para sa publiko.

Dahil dito, may ilan ang bumatikos sa pahayag ni Duterte sa umano’y pangre-red-tag nito. Paliwanag naman ng bise presidente na ito ay may pinagbatayan at hindi pagsupil.

Tugon ng Tranport Regulators

Gayunpaman, pinalawig na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang petsa ng pagko-consolidate ng jeepney units mula sa orihinal na petsa nito na Hunyo 30 hanggang Disyembre 30, 2023.

Paliwanag nila, dapat itong maisulong upang maiwasan ang greenhouse gas emission, toxic fumes, at air pollution na matagal nang problema ng bansa. Taglay kasi ng electric vehicle ang isang combustion engine na nagko-comply sa Euro IV emission standard na nirekomendahan din ng Department of Environment and Natural Resources.

Kaugnay nito, nagsuspinde naman ng mga klase ang ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila at ilang karatig probinsya dahil umaarangkada pa rin ang tigil-pasadang pagprotesta ng transport groups na ayon sa kanila ay magtuloy-tuloyl hanggang Marso 12.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

PCG ship repair facility sa Cavite City pinasinayaan

Pinangunahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang blessing at turn-over ceremony ng bagong tayong Maintenance and Repair Group Workshop Facility mula US Government at Headquarters Coast Guard Maritime Safety Services Command (MSSC) noong ika-9 ng Mayo.