Comelec sa mga pulitiko: Sumunod sa tamang sukat ng campaign posters, tarpaulin

Muling nagpaaalala ang COMELEC sa mga pulitiko na sumunod sa tamang sukat ng mga campaign posters at tarpaulin.

Pinaalalahanan ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kandidato para sa Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na sumunod sa tamang sukat ng mga campaign poster at tarpaulin.

Campaign tarpaulins.

“What I observed was that candidates just let their supporters put up campaign materials without orientation … that’s why [some] have no idea what is prohibited,” ayon kay COMELEC Commissioner George Garcia sa isang panayam ng CNN.

Base sa patakaran ng COMELEC, hanggang 2×3 feet lamang ang sukat ng mga campaign poster at tarpaulin.

Kaugnay nito, umabot na sa 210 ang inilabas na show-cause order sa mga kandidatong lumabag sa mandato ng COMELEC.

Ayon pa sa COMELEC chief, nararapat na sumunod ang mga kandidato sa iba pang patakaran ng ahensya.

Matatandaang nagsimula na ang kampanya noong Oktubre 19 at nakatakda itong magtapos sa Oktubre 28, dalawang araw bago ang araw ng eleksyon.

Total
0
Shares
Related Posts