Mas pinahaba pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng travel ban ng mga biyahero na mula sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman hanggang sa katapusan ng buwan ng Hulyo.
Ang pagpapalawig ng travel ban ay inanunsyo mismo ni Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Miyerkules.
Dahil pa rin ito sa layon ng gobyerno na pigilan ang pagkalat ng lubhang mas nakahahawang Delta (B.1.617.2) variant ng coronavirus na nagmula sa bansang India.
“The IATF is directed to further review and provide recommendations on the appropriate testing and quarantine protocols for travelers coming from the aforementioned countries, and such other countries/jurisdictions which may thereafter be identified as high risk,” dagdag pa ni Roque.
Samantala, inaprubahan na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng IATF na isama ang Indonesia sa naturang travel ban.
Ayon sa naturang travel restriction, ang mga biyahero mula Indonesia ay hindi makakakapasok sa bansa simula 12:01am ng Hulyo 16 hanggang 11:59pm ng Hulyo 31.
Thumbnail Photo from Harry Roque Facebook Page (Photo by Benjamin Narag Jr.)