Patuloy ang pagsasagawa ng house-to-house visit ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IV-A upang beripikahin ang 150,000 na maaaring maging benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Ayon sa DSWD, tinukoy nila ang mga mahihirap na maaaring maging benepisaryo na may mga anak na 18 taong gulang pababa sa pamamagitan ng listahan targeting system.
“The validation of potential households is the initial step in the registration of households in the 4Ps to assess the eligibility of the households as beneficiaries of the program,” paliwanag ng DSWD.
Ayon pa sa DSWD, isa ito sa proseso ng kanilang programa upang masiguro ang mga karapat-dapat na maging miyembro ng 4Ps.
Saad ng ahensya, nasa 80,000 na mga maaaring maging benepisaryo ng 4Ps ang naberipika na sa rehiyon.