Bunsod ng malakas na alon, ulan, at hangin na dala ng Bagyong Aghon, nawasak ang 19 na bahay na nakatayo sa tabing dagat sa Tanza, Cavite.
Bukod sa mga kabahayan, nasira rin ang ilang sampahan ng bangka at ilang bangka ng mga residenteng mangingisda.
Ayon sa ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng Tanza nitong Lunes, Mayo 27, naitala na may isang bahay sa Amaya VII ang totally washed-out dahil sa hagupit ng pag-ulan, malakas na hangin, at malalaking alon nitong Sabado at Linggo.
Dagdag pa rito, anim na bahay mula sa kalapit na barangay ang bahagyang napinsala.
Kasalukuyang ang mga residenteng apektado at nawalan ng tirahan ay pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.
Ayon sa tala ng Municipal Social Welfare and Development, aabot sa 26 na pamilya o katumbas ng 80 residente mula sa Barangay Amaya V at VII sa Tanza, ang nasa evacuation center.
Nagpaabot na ng tulong tulad ng pagkain at inumin ang LGU ng Tanza sa mga apektado at lumikas.
Thumbnail photo courtesy of MDRRMO / Facebook