Aguinaldo Shrine ginawan ng Minecraft version ng isang 8 taong gulang

Ngayong quarantine na marami ang nahuhumaling sa iba’t ibang uri ng online games, isang Grade 2 student ang kinakitaan ng potensyal sa paglikha ng isang obra gamit ang Minecraft

Ngayong quarantine na marami ang nahuhumaling sa iba’t ibang uri ng online games, isang Grade 2 student ang kinakitaan ng potensyal sa paglikha ng isang obra gamit ang Minecraft.

Ito ang birtwal na bersyon ng Aguinaldo Shrine na nilikha ng isang walong taong gulang na bata. Photo via Myra Jaminal.

Nilikha ni Mutya Jaminal, walong taong gulang, ang bersyon ng Minecraft ng makasaysayang Aguinaldo Shrine sa bayan ng Kawit, Cavite.

Ayon sa ina ni Mutya na si Myra Jaminal, ginawa niya ito sa loob lamang ng dalawang gabi at unang beses lamang niya ginawa ang ganitong uri ng isang kilala at makasaysayang lugar.

“Dalawang gabi niya lang ‘yun ginawa kasi yung cellphone tinatago namin sa araw. Pagdating namin ng hapon ayun tsaka niya lang mahahawakan yung cellphone. Tapos ‘yun nung habang nanunuod ng TV pina-picture niya sakin yung Aguinaldo Shrine tapos ginaya niya. Tapos noong ikalawang gabi, nagulat na lang kami ‘nung sinabi niya mommy done,” aniya.

Mula sa dating paglalaro ng lego ay tinuklas ni Mutya ang birtwal na mundo ng pagbuo ng mga gusali ngayong taon lamang.

Pinanunuod lamang umano ni Mutya ang kanyang nakatatandang kapatid na naglalaro ng Minecraft hanggang sa kinahiligan na niya ito.

Photo via Myra Jaminal.

Dagdag pa ng kanyang ina, kinakitaan na ng pagkahilig sa sining ang kanilang anak noong dalawa hanggang tatlong taong gulang pa lamang siya.

“Mahilig talaga siya sa art. Noong baby pa siya nagbi-build siya ng blocks tapos lego,” aniya.

Bukod sa pagbuo ng gusali sa Minecraft ay hilig rin umano ni Mutya ang paglikha ng mga sining gamit ang tradisyunal na pagpipinta at nagsisimula na rin sa paglikha ng mga 2D digital art.

Total
7
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts