Bacoor hinirang na pilot run city ng isang nutrition program

Nakiisa ang lungsod ng Bacoor bilang pilot run city ng kauna-unahang Learning Hub for Enhanced and Revitalized Nutrition (LHEARN) program.

Nakiisa ang lungsod ng Bacoor bilang pilot run city ng kauna-unahang Learning Hub for Enhanced and Revitalized Nutrition (LHEARN) program.

Talakayan ng Tagaytay Team, Bacoor Team, ALCANZ International, at National Nutrition Council ukol sa pagpapatupad ng iba’t ibang kasanayan patungkol sa nutrisyon. Photo via Lani Mercado-Revilla

Hinirang na pilot run city ang lungsod ng Bacoor para sa LHEARN program na pinangunahan ng lungsod ng Tagaytay sa tulong ng National Nutrition Council (NNC) CALABARZON at ng ALCANZ International. 

Ito umano ang kauna-unahang LHEARN program sa buong Pilipinas na layong masugpo ang problema sa malnutrisyon.

Sertipiko ni Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla sa kanilang pakikiisa sa LHEARN program. Courtesy of Bacoor City Lani Mercado-Revilla

Ayon kay Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, “Bilang isang punong lungsod, naniniwala ako na ang pag-alaga at pagtaguyod sa kalusugan ng mga mamamayan, partikular ng mga kabataan, mula sa sinapupunan pa lamang hanggang sa kanilang paglaki, ay isa sa most essential and indispensable elements sa pagpanday ng isang maunlad na kunabukasan para sa lahat.”

Dagdag pa rito, binigyang pansin rin ng naturang alkalde sa pagkakaroon ng matibay na resistensya sa pamamagitan ng pagbabakuna kontra COVID-19.

“Kasi di lang malnutrition ang ating kalaban ngayon- andiyan ang COVID-19…Bilang isang Ina sa aking mga anak at sa buong Lungsod ng Bacoor, aking sinisiguro na ligtas ang lahat ng mga Bacooreno lalo ang mga kabataan sa mga sakit na pwedeng dumapo sa kanila,” aniya.

“Ang pagiging nanay ay pagsiguro na may maayos na tahanan ang aking mga anak. Gayun din ako bilang Punong Lungsod o nanay ng mga Bacooreño. Puspusan ang ating mga programa kaagapay ang City Nutrition Council, DOH Region 4A at National government,” dagdag pa ni Revilla.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

Lalaki tiklo sa Imus matapos barilin ang kumpare dahilsa selos

Selos umano ang nagtulak sa isang lalaki upang barilinnang mahigit limang beses ang kanyang kumpare sabayan ng Imus noong Abril 27.  Agad na inaresto ng mga awtoridad ang pedicab driver nasi Roger Basilan matapos mapatay ang kanyang kaibiganna si Gilbert Aretana, 42, isang construction worker.  Sa inisyal na report ng pulisya, inabangan umano ng suspek si Aretana habang papasok sa trabaho at sakapinagbababaril. Dagdag pa ng pulisya, nagselos umano ang suspek kay Aretana at sa kanyang asawa na nagkaroon umano ng relasyon.  Ayon naman sa suspek, hindi umano niya inaasahan namagkaroon ng relasyon ang biktima at ang kanyangasawa na nahuli niya sa kanilang chat message.  “Sabi ko,…