Ginawaran ng pagkilala ng Department of Education (DepEd) Kawit ang mga gurong nakapaglingkod sa loob ng 25 taon at higit pa sa programa ng kagawaran sa bayan, na ginanap sa Aguinaldo Elementary School noong Disyembre 17.
Bilang pasasalamat, hinandugan ng pamasko ang mga guro sa bayan ng Kawit ni Mayor Angelo G. Aguinaldo na tinawag na “Bente Singko ni Aguinaldo.”
Pinarangalan at hinandugan ng pamasko ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo ang mga guro sa bayan. Photo courtesy of Mayor Angelo G. Aguinaldo.
“Maraming salamat po sa inyong lahat sa patuloy na pag-aalay ng inyong mga sarili at oras para sa mga kabataang Kawiteño. Asahan n’yo pong patuloy ang aking Puso at Malasakit sa inyong mga dakilang guro,” ani Aguinaldo.
Kasabay nito ay ang pamamahagi ng bigas sa mga guro at sa ilang mga barangay tulad ng barangay Gahak, Marulasm Wakas II, Kaingen, at Panamitan mula kay Vice Gov. Jolo Revilla.
Samantala, nauna namang nakatanggap ng pamaskong noche buena packs at special ham mula sa alkalde ang ilang Kawiteño.
“Sa mga nag-aabang po ng ating Aguinaldong Pamasko Noche Buena Pack at special ham, paki-hintay lamang po at matatanggap n’yo po ito,” aniya.
Mga pinamahaging bigas, noche Buena packs, at special ham sa mga Kawiteño. Photo courtesy of Mayor Angelo G. Aguinaldo.