Ibinaba na sa Alert Level 2 ang probinsya ng Cavite, Metro Manila, at iba pang karatig probinsya sa CALABARZON simula pa Nobyembre 15 hanggang Nobyembre 30, ayon kay presidential spokesman Harry Roque.
Alinsunod ito sa patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 at hospital utilization rate sa probinsya.
BASAHIN: COVID-19 patients in isolation facilities in Cavite continue to decline
Ayon sa guidelines na inilabas ng IATF, pinahihintulutan ang intrazonal at interzonal travel sa mga lugar na nasa Alert Level 2.
Maaari namang tumanggap hanggang sa 50% capacity ang mga indoor venues sa mga fully vaccinated, unvaccinated, at below 18 individuals.
Samantala, pinapayagan naman hanggang 70% capacity ang outdoor venues.
Hindi pa rin pinapayagan ang pagbubukas ng mga casino, cockpit arenas, lottery shops at iba pang gaming establishments maliban na lamang kung ito ay pinahintulatan ng IATF o ng Office of the President.
Unang inilunsad ang alert level system sa Metro Manila noong Setyembre para palitan ang community quarantine restrictions sa bansa.
Pormal naming inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng alert level system sa buong bansa base sa Executive No. 151 noong Huwebes.
Basahin: What to expect during pilot run of new COVID-19 alert system in NCR
Mayroon namang limang lebel ang alert system, kung saan ang Alert Level 5 ay katumbas ng Enhance Community Quarantine (ECQ).
Ang Alert Level 1 hanggang 4 ay nakabase sa COVID-19 risk classification maging ng hospital utilization rate, kung mas kakaunti ang restriksyon sa lugar, mas magiging mababa ang alert level number nito.