Cavite pangalawa sa pinakamalaking share sa Nat’l GDP

Pumangalawa ang Cavite sa may pinakamalaking ambag sa national Gross Domestic Product (GDP) sa bansa, batay sa Provincial Product Account (PPA) ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas noong ika-19 ng Pebrero

Pumangalawa ang Cavite sa may pinakamalaking ambag sa national Gross Domestic Product (GDP) sa bansa, batay sa Provincial Product Account (PPA) ng Philippine Statistics Authority (PSA) na inilabas noong ika-19 ng Pebrero.

Ang GDP ay isang pangunahing sukatan ng ekonomikong aktibidad sa isang bansa kung saan makikita ang halaga ng lahat ng mga produktong at serbisyong nilikha ng mga residente at negosyo.

Ayon sa PSA, sa 82 probinsya sa bansa, Laguna ang may pinakamalaking ambag sa national GDP noong 2022 na may kabuuang halagang P990.69 bilyon.

Sinundan ito ng Cavite na may P731.39 bilyon, at nasa ikatlong pwesto naman ang Batangas na may P615.81 bilyong GDP, habang ang Rizal naman ay nasa ikawalong pwesto na may P340.63 bilyong GDP.

Umabot sa 56.1 porsyento ng kabuuang national GDP na nagkakahalaga ng P11,187.85 bilyon kung pagsasamahin ang GDP ng 82 na probinsya.

Samantala, apat na probinsya sa Region IV-A (CALABARZON) ang pasok sa top 10 na may pinakamalaking ambag sa national GDP at sinundan ito ng Region III (Central Luzon). Bukod dito, pasok din sa top 10 ang Region I (Ilocos Region) at ang Region VII (Central Visayas).

Ang resulta ay bunsod ng pinagsama-samang PPA na ipinatutupad sa lahat ng rehiyon sa Pilipinas hanggang 2023 maliban sa NCR, na nakatakda para sa pilot implementation sa taong 2024.

Sa 2025, ang PPA ay gagawing institutionalized sa lahat ng rehiyon upang tiyakin na ang taunang pagsasama-sama ng PPA para sa lahat ng mga lalawigan at highly urbanized cities sa bansa.

Total
0
Shares
Related Posts