6,600 indibidwal tumanggap ng libreng serbisyong medikal sa Kawit

Nasa 6,600 Kawiteño ang tumanggap ng libreng serbisyong medikal sa kanilang bayan noong Nobyembre 28.

Nagsagawa ng medical mission para sa mga residente ng Kawit sa pangunguna nina Mayor Angelo G. Aguinaldo, Vice Gov. Jolo Revilla at ng Team Puso at Malasakit sa Aguinaldo Elementary School.

Binigyan ng libreng medical checkup, gamot, optical checkup, libreng reading glasses, at bunot ng ngipin ang mga residente sa bayan.

Nakatanggap ang 3,000 katao ng libreng optical checkup na may libreng salamin, 600 benepisyaryo ang nakatanggap ng dental checkup na may libreng tooth extraction, at 3,000 katao naman ang sumailalim sa medical checkup o general consultation na may libreng gamot.

“Maraming salamat po Vice Gov. Jolo sa pagpaparamdam ng Puso at Malasakit sa mga Kawiteño. Malaking tulong ang medical mission na ito na nag-abot ng libreng serbisyong medikal para sa ating mga kababayan,” ani Mayor Angelo Aguinaldo sa kanyang Facebook post.

Pinasalamatan din ng alkalde ang mga frontliners, mga lingkod bayan, at mga naghandog ng libreng serbisyong medikal.

“Asahan n’yo po na mas masigasig pa tayong makikipag-ugnayan sa iba’t-ibang mga ahensya upang mapalaganap natin ang #RatedTripleA na serbisyo para sa ating Kawit,” aniya.

Total
9
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts