Nangunguna ang probinsya ng Cavite sa may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa rehiyon 4-A, ayon sa ulat na inilabas ng Health Education and Promotion Unit ng DOH-CALABARZON noong Biyernes, Hulyo 15.
CALABARZON COVID-19 CASE BULLETIN as of July 15, 2022 200 new cases ng COVID-19 ang nadagdag ngayong araw kaya aabot na…
Posted by Health Education and Promotion Unit – DOH CHD Calabarzon on Friday, July 15, 2022
Nagtala ang probinsya ng 732 na aktibong kaso, na sinundan ng Batangas na mayroong 554; Laguna na may 462, at Rizal na may 310.
Samantala, mayroon namang 64 na aktibong kaso ang probinsya ng Quezon kabilang na ang Lucena City.
Tinatayang sumipa sa 300 porsyento ang kaso ng COVID-19 ng rehiyon, mula sa 733 bilang ng aktibong kaso noong Hulyo 1, tumaas ito sa 2,122 katao noong Hulyo 15.
Extended naman sa Alert Level 1 ang probinsya ng Cavite habang ire-rebyu muli ng IATF ang alert level qualifications sa Hulyo 18.
Nakatakda namang maglabas ng bagong COVID-19 alert level qualifications sa mga susunod na araw ang Malacanang.
Thumbnail photo by Fusion Medical Animation on Unsplash