ACT may apela sa DepEd tungkol sa exemption sa 5-araw na F2F classes

Nais siyasatin ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang bilang ng mga pampublikong paaralan na humihiling ng exemption sa ipatutupad ng Kagawaran ng Edukasyon na limang araw na face-to-face classes.

Umapela ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) na ilabas ng Department of Education (DepEd) ang bilang ng mga public school na humihiling ng exemption sa limang araw na in-person classes.

Official statement of the Alliance of Concerned Teachers (ACT). Photo courtesy Act/ Facebook

Ito’y matapos ilathala ng ahensya ang DO no.44 o ang kautusan na nagtatakdang gawing mandatory ang pasukan ng mga estudyante sa mga pampublikong paaralan simula sa ika-2 ng Nobyembre.

“We have received reports that many schools, especially in the National Capital Region and other urban areas are appealing to be exempted from the 5-day face to face classes as their facilities and human resources simply cannot make it happen,” pahayag ng naturang alyansa.

“While we do not wish for the push for 100% face to face classes to fail, it seems that it is where we are heading given the government’s failure to address our problems,” dagdag pa nito.

Ayon pa sa ACT, maraming mga kakulangan sa pasilidad tulad ng mga classroom at mga teaching at non-teaching personnel na overload ang trabaho.

“How else can they expand F2F classes from the recent 3x a week now to 5 days a week by November when classroom and personnel shortages were not seriously addressed? Worse is we are nowhere near resolving the challenges in enabling 100% face to face classes with the proposed 2023 budget offering no solutions to the problems,” patutsada ng alyansa sa DepEd.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts