12 katao iginapos, kinulong ng magnanakaw sa Silang

Iginapos at ikinulong ang 12 katao sa isang klinika sa Barangay Puting Silang, Cavite matapos manloob ang tatlong armadong lalaki na nagkunwaring kliyente sa dalawang establisyemento noong Miyerkules ng gabi, Mayo 18.

Iginapos at ikinulong ang 12 katao sa isang klinika sa Barangay Puting Silang, Cavite matapos manloob ang tatlong armadong lalaki na nagkunwaring kliyente sa dalawang establisyemento noong Miyerkules ng gabi, Mayo 18.

Nakuha ng mga suspek ang mahahalagang gamit at pera na nagkakahalaga ng humigit kumulang sa P371,100

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dumating umano ang tatlong lalaki at unang pumasok sa Puremed Inc. Agad namang nagdeklara ng holdap ang mga suspek habang tinututukan ng baril ang mga empleyado.

Matapos ay lumipat ang mga suspek sa Magnifident Inc. na katabi lamang ng Puremed Inc. at agad na iginapos ang mga empleyado kasama na ang doktor at pasyente ng naturang klinika bago sila nanloob.

Ayon sa mga biktima, puwersahan umanong tinangay ang mga personal nilang kagamitan kabilang ang cellphone, laptop, camera, at wallet.

Sinira rin umano ng mga suspek ang DVR at kinuha ang hard drive ng CCTV ng dalawang establisimyento bago tuluyang umalis.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya ukol sa insidente.

Thumbnail photo by Maxim Hopman on Unsplash

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts