BACOOR CITY – Pinaalalahanan ng Bacoor Disaster Risk Reduction and Management Office (BDRRMO) ang mga motorista na ugaliing sumunod sa road safety rules kaugnay ng kabi-kabilang aksidente sa kalsada.
Base sa isang Facebook post ng BDRRMO, inuusig nito ang mga motorista na laging ituon ang atensyon sa pagmamaneho at maging handa sa mga hindi inaasahang pangyayari sa kalsada.
Kasabay ng special non-working holiday noong nakaraang linggo, nakapagtala ng limang magkakahiwalay na aksidente sa mga kalsada ng Cavite.
Ang isa sa ang mga naitalang asksidente ay naganap sa harap ng Santuario Divino, Addas Molino 2, Tirona Hi-way, at Molino Road.
Maliban sa paalala sa mga motorista, nagsagawa rin ng checkpoint ang mga awtoridad at inantabayanan ng bawat emergency response team sa iba’t-ibang bahagi ng lungsod ang galaw ng trapiko upang agarang maaksyunan kung sakaling magkaroon man ng aksidente ssa kalsada