Travel ban ng Pilipinas sa 10 bansa inalis na

Inalis na ng Pilipinas ang travel ban sa mga biyaherong magmumula sa 10 bansa simula Setyembre 6, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque noong Sabado.

Inalis na ng Pilipinas ang travel ban sa mga biyaherong magmumula sa 10 bansa simula Setyembre 6, ayon kay presidential spokesperson Harry Roque noong Sabado.

Travel restrictions to 10 countries lifted starting September 6 President Rodrigo Roa Duterte approved the…

Posted by Harry Roque on Friday, September 3, 2021

Ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).

Kabilang sa mga bansang aalisin ang travel restrictions ay ang mga sumusunod:

  • India
  • Pakistan
  • Bangladesh
  • Sri Lanka
  • Nepal
  • United Arab Emirates
  • Oman
  • Thailand
  • Malaysia
  • Indonesia

Matatandaang, nasa antas na high-risk sa bilang ng mga kaso ng Covid-19 ang 10 bansa sa mga nakalipas na buwan, dahilan upang ipatupad ang travel ban.

Ang naturang ban ay unang nakatakdang magtapos noong Agosto 31 ngunit pinalawig ito ng pamahalaan hanggang Setyembre 5.

“International travelers coming from the abovementioned countries shall, however, comply with the appropriate entry, testing and quarantine protocols, depending on the country’s approved ‘listing,'” ani Roque. 

Kaugnay nito, inaprubahan din ng IATF ang pagkakaroon ng “yellow” at “red” classification bilang dagdag sa “green list” ng mga bansa, hurisdiksyon, at teritoryo. 

Dagdag pa rito, ang mga naturang klasipikasyon ay depende sa bilang ng mga bagong kaso ng Covid-19 at ng mga testing rates ng bawat lugar.

Red list

“The IATF classified ‘Red List’ countries/jurisdictions/territories as ‘High Risk’ based on the following metrics: (i) for populations greater than 100,000 the incidence rate shall be more than 500; and (ii) for populations less than 100,000, the COVID-19 case counts shall be more than 500, and testing rate of tests over the past 28 days per 100,000 population,” ani Roque.

Ayon sa kalihim, ang mga biyaherong mula sa mga bansang kabilang sa red list ay hindi papayagan na makapasok ng Pilipinas kahit anupaman ang kanilang vaccination status maliban na lamang kung ang isang biyahero ay kabilang sa mga kailangang i-repatriate o umuwi ng bansa ngunit kinakailangan pa rin nilang sumunod sa Covid-19 testing at quarantine protocols.

Yellow list

“The IATF classified ‘Yellow List’ countries/jurisdictions/ territories as ‘Moderate Risk’ based on the following metrics: (i) for populations greater than 100,000, the incidence rate shall be 50 to 500; and (ii) for populations less than 100,000, the COVID-19 case counts shall be 50 to 500; and testing rate of tests over the past 28 days per 100,000 population,” ayon kay Roque.

Para sa mga bansang kabilang sa yellow list ay nararapat na sumailalaim sa 14 na araw ng quarantine ang mga biyahero at kailangang sumailalim sa RT-PCR test sa ika-pitong araw ng kanilang quarantine. 

Dagdag pa rito, ang mga biyahero sa mauunang 10 araw ay nararapat na nasa quarantine facility habang ang natitirang apat na araw ay kailangang sumailalim sa home quarantine. 

Green list

Inaprubahan din ng IATF ang mga sumusunod na bansa, hurisdiksyon, at teritoryo sa “green list”:

  • American Samoa
  • Anguilla
  • Australia
  • Benin
  • Burkina Faso
  • Cameroon
  • Cayman Islands
  • Chad
  • China
  • Comoros
  • Republic of the Congo
  • Djibouti
  • Equatorial Guinea
  • Falkland Islands (Malvinas)
  • Gabon
  • Grenada
  • Hong Kong (Special Administrative Region of China)
  • Hungary
  • Mali
  • Federated States of Micronesia
  • Montserrat
  • New Caledonia
  • New Zealand
  • Niger
  • Northern Mariana Islands
  • Palau
  • Poland
  • Saba
  • Saint Pierre and Miquelon
  • Sierra Leone
  • Sint Eustatius
  • Slovakia
  • Taiwan

Ani Roque, kailangang sumailalim sa pitong araw na facility quarantine at Covid-19 test sa ika-limang araw ang mga biyaherong mula sa mga lugar na nasa “Green list.”

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts