Dahil kabi-kabila ang mga kasiyahan nitong Pasko at paparating na Bagong Taon, sumasailalim ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa full alert status kung saan nakaantabay ang ahensya sa mga sunog o anumang sakuna na maaaring maganap.
Photos via Bureau of Fire Protection/Facebook
Nagbigay din ng paalala ang BFP na umiwas ang publiko sa mga paputok at mag-ingat sa sunog.
“Kasabay ng mga kasiyahan at makukulay na pagdiriwang, ating isa-isip ang mga paalala ng inyong mga bumbero upang mailigtas ang ating mga pamilya, tirahan at ari-arian laban sa sunog,” pahayag ni BFP Chief Director Louie Puracan.
Ayon pa sa BFP, nakaantabay ang ahensya sa mga maaaring maganap na sunog.
Dagdag pa rito, maaaring tumawag sa numerong 911 para sa mga nangangailangan ng respunde sa sunog o anumang emergency.
Para naman sa mga residente na mula sa Cavite, ibinahagi rin ng ahensya na tumawag lamang sa numerong: 09678055581