Binuksan na sa mga motorista ang bagong bypass road sa lungsod ng General Trias na inaasahang magpapaluwag ng daloy ng trapiko sa Manggahan Intersection noong Hunyo 21.
Ang nasabing bypass road ay simula sa Biclatan hanggang Manggahan.
Inauguration of the newly-constructed BICLATAN-MANGGAHAN BYPASS ROAD. A priority project of the City Government of General Trias. #MyOneAndONlYGenTri #WeHealAsOnePH
Posted by Ony Ferrer on Monday, June 21, 2021
Video mula sa City Government of General Trias’ Facebook page.
Pinangunahan ng lokal na pamahalaan ng General Trias ang inagurasyon ng nasabing kalsada kabilang sina 6th District Congressman Jon-Jon Ferrer, Mayor Ony Ferrer, Vice-Mayor Morit Sison, mga miyembro ng Sangguniang Panlungsod, at mga opisyal ng Barangay.
Pinaalalahanan naman ng naturang lokal na pamahalaan na ang nasabing bypass road ay para lamang sa mga light vehicles.