Umabot na sa 72 katao ang naiulat na nasawi dahil sa pagkalunod nitong nagdaang Semana Santa, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Photo via Canva
Ayon kay PNP spokesperson Colonel Jean Fajardo sa Laging Handa briefing, kabilang sa mga may matataas na bilang ng mga namatay ay ang rehiyon ng CALABARZON na may 19, habang 14 naman sa Region I, at 10 Region II.
Kabilang dito ang mga menor de edad na may 23 na nasawi at 3 senior citizen.
Bukod sa mga naiulat na mga nalunod, sinabi naman ni Office of the Civil Defense (OCD) spokesperson Raffy Alejandro na naitala rin nitong nakalipas na Semana Santa ang mga aksidente sa kalsada at sunog.
“So far, we monitored karamihan dito ‘yung drowning, vehicular accidents, at ‘yung sunog. So, ito ‘yung tatlong pinakamarami tayong na-monitor but ongoing pa po ang pagkuha natin ng mga numero,” pahayag ni Alejandro sa isang panayam sa Laging Handa briefing.