Binatang biktima ng sexual abuse nakalaya na

Nakapagpiyansa na ang 22-anyos na lalaki matapos arestuhin sa kasong cyber libel dahil sa kanyang lumang post online na naglalaman ng ‘di umano’y sekswal na pang-aabuso ng isang guro sa isang mag-aaral sa Bacoor National High School.

Nakapagpiyansa na ang 22-anyos na lalaki matapos arestuhin sa kasong cyber libel dahil sa kanyang lumang post online na naglalaman ng ‘di umano’y sekswal na pang-aabuso ng isang guro sa isang mag-aaral sa Bacoor National High School.

Inaresto si alyas ‘Robert’ noong Abril 5 dahil sa reklamong cyber libel na isinampa laban sa kanya ng mga gurong sangkot din sa isyu ng sexual abuse na kanyang naranasan at ng iba pang estudyante sa nasabing paaralan.

Matatandaang ilan sa mga guro na inakusahan ng sexual abuse ang napatawan ng suspensyon at kasong administratibo na isinampa sa kanila ng mismong Department of Education (DepEd) noong Setyembre 2022.

READ: DepEd investigates sexual harassment complaints vs 6 teachers in Bacoor

READ: DepEd: Admin charges filed vs 5 teachers accused of sexual abuse in Bacoor

Samantala, nagpapasalamat naman ang youth group na “Enough Is Enough” sa lahat ng mga tumulong para makalaya si alyas ‘Robert’.

“The four cases of cyber libel against alias Robert, one of the many victim-survivors from Bacoor National High School, was an abject failure on all three fronts: a failure of the school, of DepEd, and of the justice system itself; all failing to punish the perpetrator and protect the students. Without strong victim-centered measures, cases like this will happen repeatedly,” pahayag ng nasabing youth group.

Anila, hindi pa rito natatapos ang kanilang panawagan sa lahat ng anyo ng pang-aabuso at patuloy pa silang lalaban para sa hustisya nina alyas ‘Robert’ at ng iba pang mag-aaral na nakaranas nito.

Total
0
Shares
Related Posts