Naitala ang unang kaso ng COVID-19 Delta Variant sa bayan ng Carmona noong Hulyo 26, ayon kay Mayor Roy M. Loyola.
Sa tala ng Carmona Municipal Health Office, ang pasyente ay isang OFW na kararating lamang sa bansa noong Hunyo 26.
Sumailalim siya sa 7-day quarantine facility sa Clark at 7-day quarantine isolation sa Tarlac. Pagkatapos nito ay naideklara siyang recovered at pinayagang makauwi ng Carmona noong Hulyo 13.
Bilang dagdag sa precautionary measure ng bayan, sumailalim pa rin siya sa panibagong 7-day quarantine sa kanyang tahanan. Dito na nalamang siya ay isang Delta variant case.
“Agad siyang dinala ng Municipal Health Office (MHO) sa isolation facility at ang kanyang mga close contact.” ani ni Loyola sa kaniyang Facebook Post.
Pinaaalalahanan naman ng alkalde ang lahat na sumunod sa minimum public health standards upang makaiwas sa COVID-19.
Sa tala noong Hulyo 26, nasa 1,824 na ang idineklarang recovered mula sa mga positibong kaso ng COVID-19 sa Carmona.
As of July 26, 2021, 1,824 na sa mga kumpirmadong positibong kaso ng COVID-19 sa Bayan ng Carmona ang idineklara nang…
Posted by Atty. Roy M. Loyola on Monday, July 26, 2021
Dagdag pa ni Loyola, patuloy pa ring nakikipag-ugnayan ang lokal na pamahalaan ng Carmona sa Department of Health para sa mas marami pang supply ng bakuna.
Photo by Fusion Medical Animation on Unsplash