Ilang halal na opisyal sa Unang Distrito ng Cavite nanumpa na sa kanilang tungkulin

Nanumpa na sa kani-kanilang tungkilin sa lokal na pamahalaan ng unang distrito ng Cavite ang ilang nanalong kandidato sa nakaraang eleksyon.

Sa mismong pagdiriwang ng ika-124 Araw ng Kalayaan, pormal nang nanumpa sa kaniyang ikatlong termino si Kawit Mayor Angelo Aguinaldo kasama si Vice Mayor Junbie Samala at ang Team Puso at Malasakit.

Photo courtesy Mayor Angelo Aguinaldo / Facebook

Nagpaabot naman ng pasasalamat si Aguinaldo kay Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin Romualdez na nagsilbing panauhing pandangal at nanguna sa panunumpa.

Photo courtesy Mayor-elect Denver Chua / Facebook

Bukod pa rito, nagsagawa rin ng panunumpa sa tungkulin ang magkakapatid na sina re-elected Noveleta Mayor Dino Chua, 1st District Board Member Davey Chua, at bagong halal na alkalde ng Cavite City na si Denver Chua noong Hunyo 26.

Sa naturang araw, naging laman din ng balita ang isinagawang pag-propose ni newly elected Mayor Denver Chua sa kaniyang long-time girlfriend na si Atty. Dani Doria.

Photo courtesy 1st Distrive Rep. Jolo Revilla / Facebook

Kasabay nito ay ang pagsasagawa rin ng oath taking ni outgoing Vice Governor Jolo Revilla bilang 1st District Representative ng Cavite kasama ang kaniyang ama na Sen. Bong Revilla, ina na si Lani Revilla na magsisilbing 2nd District Representative, at kapatid na si Bryan Revilla na kakatawan sa Agimat Partylist.

Photo courtesy Sen. Bong Revilla / Facebook

Habang noong Hunyo 27, nanumpa rin sa kanilang tungkulin si re-elected Cavite governor Jonvic Remulla at newly elected vice governor Athena Tolentino.

Total
11
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts