Centenarians sa Gen. Mariano Alvarez inaasahang makatatanggap ng P180K cash gift

Inanunsyo kamakailan ni Mayor Maricel Torres na makatatanggap ng kabuuang P180,000 insentibo ang mga centenarian sa General Mariano Alvarez.

Inaasahang makatatanggap ng kabuuang P180,000 ang mga centenarian o mga lolo at lolang edad 100 sa General Mariano Alvarez, ayon kay Mayor Maricel Echevarria Torres.

Photos courtesy of Mayor Maricel Echevarria Torres/ Facebook

Ayon sa alkalde magmumula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P100,000 alinsunod sa Centenarian Law of 2016 o RA 10868, habang magmumula naman sa pamahalaang bayan ang P30,000, at P50,000 naman mula sa pamahalaang panlalawigan.

Samantala, nauna nang ipinamahagi ang P50,000 cash gift na mula sa pamahalaang panlalawigan para sa dalawang centenarian na sina tatay Leon V. Mesa ng Brgy. San Jose at sister Elena C. Manalo ng Tahanan Vill, Brgy. San Gabriel.

“Nakakatuwa po na ang ating pamahalaang panlalawigan ng Cavite at pamahalaang bayan ng GMA sa pangunguna ng MSWDO, OSCA at Community Affairs Office ay nakapagbibigay ng mga benepisyo na nararapat para sa ating mga kababayan alinsunod sa Provincial Ordinance no. 184 series of 2017,” aniya niya.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts