Comelec nagsimula nang mag-imprenta ng balota para sa Cavite special polls

Nasa halos 350,000 official ballots ang sinimulan nang iimprenta ng Commission on Elections (Comelec) para sa special election sa seventh district ng Cavite sa darating na Pebrero 25.

Nasa halos 350,000 official ballots ang sinimulan nang iimprenta ng Commission on Elections (Comelec) para sa special election sa seventh district ng Cavite sa darating na Pebrero 25.

Inaasahang matatapos ang pag-imprenta ng 355,184 na balota sa loob ng higit isang linggo na sinimulan nitong Miyerkules sa National Printing Office sa Quezon City.

Apat na kandidato, kabilang ang anak ni Justice Sec. Boying Remulla na si Board Member Ping Remulla, ang nagnanais na makuha ang congressional seat bilang kinatawan ng ika-pitong distrito.

Tumatakbo sa ilalim ng National Unity Party si Ping Remulla, samantalang independent candidates naman ang tatlo nitong kalaban na sina dating Trece Martires City Mayor Melencio de Sagun Jr., Jose Angelito Aguinaldo, at Michael Angelo Santos.

Samantala, inaasahang nasa halos 300,000 botante mula sa mga bayan ng Trece Martires, Amadeo, Tanza at Indang ang makikilahok sa naturang special election.

Ayon sa Comelec, gagamit sila ng automated vote-counting machines katulad nang sa ibang nakaraang eleksyon. Ngunit ang resulta nito ay hindi na gagamitan ng electronic transmission bagkus gagamit na lang ng SD cards na direktang ibibigay sa board of canvassers.

Matatandaang nabakante ang naturang posisyon matapos tanggapin ni Sec. Remulla ang alok ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang maging kalihim ng DOJ.

Total
0
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts