COVID-19 cases sa Kawit bumababa

Nakikita nang bumababa ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Kawit dahil sa #TaasManggasKawit vaccination drive at palagiang disinfection sa mga pampublikong lugar.

Nakikita nang bumababa ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bayan ng Kawit dahil sa #TaasManggasKawit vaccination drive at palagiang disinfection sa mga pampublikong lugar.

Ayon sa pinakahuling tala ng Kawit Rural Health Unit (RHU) noong Setyembre 16, mas bumaba sa 255 ang daily cases kumpara sa 316 na kasong naitala noong Setyembre 13. 

“…pangunahing dahilan po ng pagbabang ito ay ang recovery ng ilang aktibong kaso sa pagbabantay ng Kawit RHU at ang ating tinututukang #TaasManggasKawit at regular disinfection,” ani Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook post.

Inilagay naman ng alkalde ang COVID Buster Team sa heightened alert upang patuloy na mapigilan ang pagtaas ng kaso sa Kawit sa pamamagitan nang malawakang disinfection sa residential areas at mga pampublikong lugar. 

Dagdag pa rito, itinalaga rin ni Aguinaldo ang Municipal Welfare and Development Office (MSWD) sa pamimigay ng relief packs sa mga apektadong pamilya ng naka-quarantine.

Samantala, naitala noong Setyembre 16 na nasa 35,857 na Kawitenos na ang nabakunahan. Sa bilang na ito, 15,472 ay fully vaccinated na at 20,385 naman ang nakatanggap ng first dose.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang Kawit RHU sa pagbabakuna sa Priority Groups A1 hanggang A4. 

Total
12
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts