DepEd, naghain ng show cause order laban sa viral angry teacher

Nais na makita at marinig ng Department of Education (DepEd) ang paliwanag ng isang guro na nag-viral kamakailan sa social media na ‘di umano’y pinapagalitan ang kanyang mga estudyante.

Nais na makita at marinig ng Department of Education (DepEd) ang paliwanag ng isang guro na nag-viral kamakailan sa social media na ‘di umano’y pinapagalitan ang kanyang mga estudyante.

Ayon kay DepEd Assistant Sec. Francis Bringas, naghain na ng show cause order ang kanilang Regional Office nitong Lunes, Marso 18, at inaantay na lamang nila na magsumite ng eksplanasyon ang guro na sinasabing nagtuturo sa isang pampublikong paaralan sa Metro Manila.

Nagsimula ang isyung matapos mag-viral ang isang live TikTok video ng nasabing guro kung saan nagbibitaw ito ng mga salitang hindi kaaya-aya upang tila ba ilabas ang kanyang galit at pagkadismaya sa mga bata.

Sa kabilang banda, umalma naman ang mga miyembro ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) at nanawagan sa mga ahensya ng edukasyon na bigyan ng nararapat na proteksyon ang guro.

“While we will never tolerate any wrongdoing by our colleagues in the profession, we will defend their right to due process, enshrined not only in the Magna Carta for Public School Teachers but also in the Philippine Constitution,” saad ng TDC.

Sagot naman ng DepEd, kailangan umano magpaliwanag ng guro tungkol sa nangyari dahil kailangan nilang dumaan sa “due process” upang masusing mapag-aralan ang insidente.

Total
0
Shares
Related Posts