Grass owl na nasagip pinakawalan sa isang protected area sa Ternate

Matapos ang apat na araw ng pagsagip at pabibigay lunas sa natagpuang grass owl, pinalaya na ito sa natural nitong tahanan.

Pinakawalan na sa isang protected landscape sa Ternate, Cavite ang nasagip na grass owl ng Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO) noong Abril 20.

Pinalaya na ng PENRO Cavite ang nasagip nitong grass owl. Photo via PENRO Cavite

Nakipag-ugnayan ang mga kawani ng PENRO sa mga opisyal ng Barangay Sapang I sa Ternate upang pakawalan ang naturang hayop sa Mt. Palay-Palay Mataas na Gulod na magsisilbi nitong natural na tahanan.

“This nocturnal avian specie commonly inhabits in the grassland area and specialist hunters of small animals like rats,” paliwanag ng PENRO.

Bago pa man ito, isang concerned citizen ang nag-ulat noong Abril 16 sa PENRO upang mailigtas ang sugatang grass owl na natagpuan sa Barangay Anabu 2-C sa lungsod ng Imus.

“According to her, they saw the said wildlife fell on the road of the subdivision, and they noticed that the owl was injured and unable to fly,” pahayag ng naturang grupo.

Abril 16 nang matagpuan ang isang grass owl na sugatan at hirap sa paglipad. Photo via PENRO Cavite

Ayon pa sa PENRO, pansamantalang dinala ang naturang hayop sa Cavite Provincial Veterinary upang mabigyan ito ng agarang lunas.

“Four days after, based on the diagnosis of Dr. Gloria C. Digma, the grass owl was free from any infectious or communicable disease, hence recommended for immediate release back to the wild,” anila.

Samantala, patuloy naman na pinaalalahanan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang publiko na maaaring patawan ng parusa ang sinumang ilegal na nangangalaga at nagbebenta ng anumang wildlife species sa ilalim ng RA 9147 o mas kilala sa tawag na Wildlife Act of the Philippines.

“To request for wildlife rescue especially those species which are categorized vulnerable and endangered you may reach the nearest DENR Office in your locality. In Cavite, you may reach us at 09081943573 or in (046) 430 5201,” panawagan ng PENRO.

Total
1
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts