EXPLAINER: Ano ang Maharlika Investment Fund?

Narito ang mga bagay na dapat mong malaman tungkol sa isa sa mga pinakakontrobersiyal na panukalang batas bago magtapos ang taon — ang Maharlika Investment Fund. Ano nga ba ito at bakit kailangang bantayan ito ng mga mamamayang Pilipino?

Nasa Senado na ang bola para tuluyang maisabatas ang panukalang magtatag ng Maharlika Investment Fund o MIF matapos itong lumusot sa Kamara at naging certified as urgent ng Pangulo.

Ang MIF ay isa sa mga maituturing na pinakakontrobersiyal na usapin bago magtapos ang taon. Ano nga ba ito at bakit kailangang bantayan ito ng mga mamamayang Pilipino?

Nasa Senado na ang bola para tuluyang maisabatas ang panukalang magtatag ng Maharlika Investment Fund o MIF matapos…

Posted by The Cavite Rising on Friday, December 23, 2022

Ang Maharlika Investment Fund o MIF ay nilalaman ng House Bill No. 6398 na nagnanais na magtatag ang bansa ng isang sovereign wealth fund na siyang ii-invest para mapalago ang pondo ng Pilipinas.

Hindi bago ang konsepto ng sovereign wealth fund dahil 70 mga bansa sa buong mundo ang nagtatag na nito gaya na lamang ng mga susunod:

  • France

$1.5 trilyon

  • Norway

$1.2 trilyon

  • China

$1.2 trilyon

Base sa bagong bersyon ng panukala, hindi na kukunin ang pondo para sa MIF mula sa SSS, GSIS, at national budget.

Sa halip, huhugutin na lamang ang P110- bilyon pondo para rito mula sa mga sumusunod na government financial institutions:

  • Land Bank of the Philippines

P50 bilyon

  • Development Bank of the Philippines

P25 bilyon

  • Bangko Sentral ng Pilipinas

100% ng dibidendo

  • PAGCOR

10% ng kita

Kung sakaling maisabatas ang mungkahing MIF, bubuo ng tinatawag na Maharlika Investment Corporation o MIC na pamumunuan ng 15 board of directors.

Base sa inamyendahang panukala, ang kalihim na ng Department of Finance ang siyang tatayong chairperson ng MIC sa halip na ang Pangulo ng bansa.

Sinasabing hango ang pangalan ng MIF sa “Maharlika”, isang di umano’y guerilla unit sa Northern Luzon na pinamunuan ni dating Pangulo at diktador na si Ferdinand Marcos Sr. sa pahahon ng pananakop ng mga Hapon.

Subalit, pinasinungalihan ito ng parehong National Historic Commission of the Philippines at ng US Army.

Ano ang mga isyu sa Maharika Investment Fund?

  • May mga nangangamba na malulustay ang pera ng bayan at matulad ito sa kinahinatnan ng 1Malaysia Development Berhad o 1MDB sa Malaysia.
  • Kinukwestiyon ng ilang grupo ang timing ng panukalang MIF dahil hindi maganda ang lagay ng ekonomiya ng bansa na pinadapa ng pandemiya.
  • Tulad ng iba pang uri ng investment, mataas ang risks na malugi ang pondong mula sa taumbayan kung ipupusta o isusugal ito.

Ano naman ang mga safeguard ng Maharika Investment Fund?

  • Posibleng maharap sa pagkakakulong o pagbayarin ng multa ang mga mapapatunayang sangkot sa mga iregularidad sa pamamahala ng MIF gaya ng graft at corruption.
  • Magkakaroon ng internal at external auditing at ipasisisilip din sa Commision on Audit ang pamamahala ng MIF.
  • Maaaring ma-access ng publiko ang ilang dokumento patungkol sa MIF gamit ang Freedom of Information para masiguro ang transparency.
  • Bubuo ng isang advisory body na siyang tutulong sa board of directors ng MIC sa pagbuo ng mga polisya tungkol sa investment and risk management.

Thumbnail photo made via Canva

Total
5
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts