Nasa P6.8 milyong halaga ng umano’y shabu o isang kilo ng methamphetamine hydrochloride ang nasamsam ng awtoridad sa lungsod ng General Trias, Cavite noong Miyerkules, Marso 26.
Ayon sa report ng Philstar, Dinampot sina Eman Boncarawan, 29 taong gulang, Norhanah Dirampatin, 28, at Nur-Laila Capatagan, 20, ng Police Drug Enforcement Group (PDEG) sa Barangay Pasong Camachile I ng 10:30 nang gabi.
Bukod sa shabu, narekober din ang isang cellphone at mga ID ng mga suspek na may kasong drug trafficking.
Sa kasalukuyan, pinaghahahanap pa rin umano ang isa pang suspek na si Noralyn Macalangan ayon kay PDEG director Brig. Gen. Randy Peralta sa panayam kasama ang Philstar.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek, na haharap sa kasong paglabag ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Thumbnail photo from Daily Tribune