Iba’t ibang aktibidad sa Youth Month tampok sa Imus

Hindi napigilan ng pandemya ang Youth Affairs Office ng bayan ng Imus na maghatid ng masasaya at makabuluhang mga aktibidad ngayong Agosto.

Hindi napigilan ng pandemya ang Youth Affairs Office ng bayan ng Imus na maghatid ng masasaya at makabuluhang mga aktibidad ngayong Agosto. Bilang pakikiisa sa International Youth Month, narito ang mga programang isinasagawa nila para sa mga kabataang Imuseno:

BIZKARTENG KABATAAN

Sinusuportahan ng aktibidad na ito ang mga madidiskarteng kabataan sa lungsod ng Imus sa pamamagitan ng pagtatampok ng kanilang mga produkto sa Facebook Page sa buong buwan ng Agosto. 

FUNDEMIC

Tampok ngayong Youth Month ang FUNDEMIC Live, isang talk show ng mga kabataan, para sa mga kabataan. Sa unang episode, naging panauhin nito si Imus City Mayor Emmanuel Maliksi at ang iba pang kabataang naglilingkod sa bayan. 

MAKISAYA, MATUTO, AT MANALO! Bilang bahagi ng selebrasyon ngayong Youth Month, inihahandog ng City of Imus-Youth…

Posted by City of Imus – Youth Affairs Office on Friday, August 6, 2021

YOUTHPRENEURSHIP

Samantala, nagkaroon din ng webinar ang mga kabataang Imuseno ukol sa entrepreneurship. Pinag-usapan dito ang creative mindset, business and digital marketplace, maging ang fundamentals of product development. 

VALORANT ROYAL RAMPAGE

Calling all the Valorant gamers! Sa darating na Agosto 28, maghaharap-harap ang walong teams para sa elimination rounds ng Valorant Royal Rampage Tournament Season 2. Mayroon ding raffle draw para sa battle pass ng larong ito sa Agosto 28-29, 2021. 

Rampage is coming! 🔥 Kumpleto na ang 8 teams na maghaharap-harap at magtatagisan ng bagsik upang hiranging kampeon sa…

Posted by City of Imus – Youth Affairs Office on Wednesday, August 11, 2021

YOUTH IN COVID-19

Bida naman ang talento ng mga Imuseno sa ika-anim na taon ng Imus Social Media Fest. Kabilang ang sa aktibidad na ito ang Youth in COVID-19 Rap Music Writing Competition, Tiktok Crash Course Contest, Tiktok Dance Challenge, at Short Silent Film Making Contest. 

𝗦𝗮𝗻𝗮 𝗮𝗹𝗹 𝗺𝗮𝘆 𝗰𝗼𝗺𝗲𝗯𝗮𝗰𝗸! Now on its sixth year, ISMF comes back with #YouthInCOVID19 to raise further awareness and…

Posted by City of Imus – Youth Affairs Office on Friday, June 25, 2021

YOUTH CAN DO IT!

Hirap ka ba sa research? No, youth can do it!

Kinagiliwan naman ng mga senior high school at college students ang free Research Writing Workshop noong Agosto 20. 

Photo courtesy by City of Imus Youth Affairs Office

T.E.C.H.T.A.L.K.

Ipinamalas naman ng mga kabataang Imuseno ang kanilang galing sa pag-aanyo at pagdidisenyo sa pamamagitan nang paggawa ng infographics ukol sa COVID-19 safety protocols. Ito ay matapos nilang makilahok at mapakinggan ang T.E.C.H.T.A.L.K. Graphic Design Workshop noong Agosto 18. 

TRANSFORMING FOOD SYSTEM

Aktibo rin ang mga kabataan sa pakikilahok sa usaping food security sa bansa. Nilalayon ng talk na ito na bigyang kamalayan ang lahat sa pagkakaroon ng sapat, ligtas, at abot-kayang pagkain lalo na sa panahon ng matinding krisis na inilantad at pinalala ng pandemya. 

Photo courtesy by City of Imus Youth Affairs Office

IMUSZINEO

Kabilang din sa mga aktibidad na ito ang Online Zine Making Workshop kasama ang kilalang zine at virtual artist na si Makò Micro-Press. 

Photo courtesy by City of Imus Youth Affairs Office
Total
15
Shares
Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Related Posts