Mananaya mula sa Cavite, nanalo ng P45.6M sa Mega Lotto 6/45

Maswerte ang pasok ng taong 2024 sa isang mananaya sa Cavite kung saan nanalo siya ng P45.6 milyong premyo ng Mega Lotto 6/45 noong Enero 24.

Isang mananaya sa Cavite ang maswerteng naka-jackpot ng P45.6 milyong premyo ng Mega Lotto 6/45 noong Miyerkules, Enero 24.

Photo via PCSO

Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) napalanunan niya ang winning combination na 05-12-19-01-28-08.

Mula sa General Trias City ang maswerteng mananaya na nanalo ng eksaktong P45,638,809.

Ayon pa sa PCSO, isang taon ang pagitan simula ng draw na maaaring kuhanin ang napanalunang premyo, alinsunod sa Republic Act No. 1169.

Total
0
Shares
Related Posts
Read More

CvSU-Kawit Itatayo na: Mayor Aguinaldo at Cong. Jolo Revilla pinangunahan ang pagpaplano

Inanunsyo ni Mayor Angelo Emilio Aguinaldo ng Kawit, Cavite ang pagtatayo ng bagong kampus ng Cavite State University (CvSU) sa kanilang bayan, sa pakikipagtulungan kay Congressman Jolo Revilla. Layunin nitong magbigay ng mas abot-kayang edukasyon sa mga kabataan ng Kawit at karatig-lugar, kasabay ng planong pagtatayo ng bagong munisipyo at Tangulan Arena para sa mas maayos na serbisyong pampubliko.