Isang centenarian ang binigyan ng P100,000 cash gift at grocery package ng lokal na pamahalaan ng Imus noong Disyembre 19.
Photos via City Government of Imus/Facebook
Nagdiwang si nanay Virginia Meris ng kanyang ika-100 kaarawan nito lamang Disyembre.
Personal na iniabot sa centenarian ang kanilang handog sa pangunguna ng mga opisyal ng Imus City at ng Office of the Senior Citizens Affairs.
Ayon pa sa City Government of Imus, nagtapos si Nanay Virginia ng kursong Education at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Tanzang Luma 1.